Tuesday, July 21, 2009

MAY NAGAWA KA BA?

Ang pamahalaan ang tumatayo bilang tagapamahala ng ating bansa. Sila ang mga nagpapatupad ng mga batas para sa ikakaunlad nating lahat, nang ating bansa. Ano kaya ang mangyayari sa atin kung ang mga opisyal na ito, ay walang alam gawin kundi ibagsak ang isa't isa, o tinatawag na crab mentality nang mga Pinoy, aasenso pa kaya ang ating bansa?

Meron ngang mga naimplementang batas ang ating mga opisyal ukol sa iba't ibang suliranin ng ating bansa, ngunit epektibo na ba ito sa punto na naresolba na ang naturang suliranin. Hindi natin makakaila na ang gobyerno ay gumagawa ng mga paraan para matulungang ang sambayanang Pilipino. Kaya nga may SONA para ipamukha sa atin ng Pangulo na siay ay may ginagawa para sa aking bansa.

Sapat na ba ang mga ito? Oo nga may nagagawa sila, ang pamahaalan pero ito ay hindi sapat o sabi nga ng sabi ni Heather ay pwede na. Sila ang mga maykapangyarihan na makapagbago at makapagunlad ng ating bansa, kaya sana ay ibigay nila ang kanilang makakaya hindi puro pera ang nasaisip nila.

Nagpatupad sila ng programa para sa illegal logging pero hindi naman gaanong nakitil ito, dahil mismo ang mga pulitiko ang sumusuway. Isa sa mga suliraning sa yamang-lupa ay ang kakulangan ng kaalaman ng magsasaka. Patuloy gumagamit ng makalumang paraan ng pagsasaka, dahil dito mabagal ang paglinang ng produktong agrikultural. Ang hindi matapos tapos na agrarian reform kaya nagdudulot ng suliranin sa ekonomiya. Isa sa pangunahing dahilan ng pagkasira ng kagubatan ay ang pagputol na ng mga puno o illegal logging at minsan nasisira din ang mga ito dahil sa mga programa ng pamahalaan kagaya ng mga dam at irrigation canals. Dahil man sa kakulangan sa kaalaman kaya lumalaki ang suliranin ng ating pamahalan ukol sa ating yamang-tubig. Nalulugi tuloy ang mga mahihirap na mangingisda, samantalang ang mga mayayaman an gumagamit ng mga kemikals ang malakas kumita ng pera.

Kailangan din tayo ng ating gobyerno, na tayo mismo ay sumunod sa mga batas na ito. Nagsisimula sa bawat isa ang pagbabago.

-ROSE ANN CHERISSE SOGUE

No comments:

Post a Comment