Tuesday, July 21, 2009

PAMAHALAAN? MAYROON BA?

Sa katotohanan, masasabi kong ako'y nawalan na ng tiwala sa ating pamahalaan sa Pilipinas noong umupo na sa pagkapresidente si Gng. Gloria Macapagal - Arroyo. Hindi naman sa ako'y pumapanig sa oposisyon, napansin ko na ang kanyang gabinete ay mahusay('di man ay napakahusay) sa tuwing ilulunsad lamang ang isang proyekto, sa tinatawag lamang na "campaign period". Ako'y nawawalan ng tiwala sa kanya at sa iba pang pulitiko dahil sa tuwing maglulunsad sila ng proyekto ay nakalagay na sila ang dahilan kung bakit ito naisapagawa. Kung hindi nila mamarapatin, TAYO, ang taong bayan ang nagpondo ng proyektong nasabi at hindi kung sino mang iba. Kadalasan ay hindi pa sila gumagamit ng dekalidad na materyales dahil ito ay mas mura at ito'y kanilang pinagkakatian, at kuminsan ay hindi pa natatapos ang mga proyekto. Dumako naman tayo sa pamamahala nila sa likas na yaman ng ating bansa. Ayon sa mga dayuhang ekonomista, ang wastong dami ng likas na yaman na makakatulong upang mapaunlad ang ekonomiya ng bansa. Ngunit ano ang nangyayari sa atin, ito ay dahil kulang tayo sa kaalaman at higit sa lahat ay kulang ang atensyon na ipinapataw ng pamahalaan dito. Sa umpisa lang sila magaling, (karaniwan ay) nagpapatupad sila ng mga batas ngunit sa umpisa lamang ito nasusunod ng matino. Katulad na lamang ng mga batas sa pagmimina, sa sobrang luma ay hindi na nababagay sa ating panahon.
Ako, bilang isang magaaral, ay umaasa na magkakaroon ng solusyon sa problemang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. MABUHAY ANG PILIPINAS! TAYO'Y MAGKAISA!


Sumasainyo,
REN LEXUS DC. SANQUI
ESC-IV

No comments:

Post a Comment